“Hoy Inday! Ikuha mo nga ako ng tinapay!”
“
Ibili mo nga ako ng kendi!”
“Linisin
mo nga itong sapatos ko!”
“Ikuha
mo nga ako ng tubig!”
“Bilis!”
Sunud-sunod
ang utos ko kay Inday. Siguradong mapapagod siya. Buti nga sa kanya, kasi
nakakainis siya! Lagi na lamang siyang nakikialam sa akin.
Tuwing
umaga, di ako makapaglaro agad sa labas kasi, pinipilit pa niya akong uminom ng
gatas, tapos pipilitin ring pakainin ng tinapay. Hindi lang iyon, kailangan
pang maligo muna at kailangan pa raw magsipilyo.
“Kailangan
mong magsipilyo para di masira ang mga ipen mo.” ang laging sinasabi pa ni
Inday.
Sa
loob-loob ko, e bakit naman kaya masisira, e buong-buo nga at ang titigas ng
mga ipen ko dahil mana ako sa daddy ko! Nakakainis talaga! Puro daldal si
Inday, daig pa ang mommy ko!
Kapag
nakikipaglaro naman na ako ng habulan sa mga kapit-bahay namin, lagi na lang
ako tinatawag ni Inday, para lagyan niya ng pulbos ang katawan ko. Tapos
sasapinan pa niya ng bimpo ang likod ko na lagi namang nahuhulog kapag
nagtatakbuhan na kami ng mga kalaro ko.
Haay
naku, istorbo talaga!
At
lalo pa akong naiinis dahil kung kailan kasarapan ng laro, saka pa ako pauuwiin
para pakainin na naman. Pipilitin niya akong kumain ng niluto niyang ulam na laging
may mga gulay na nakakasuka naman ang lasa.
Sasabihin pa ni Inday, “Masustansya ang gulay kaya kumain ka nang marami para lumakas ka at di magkasakit.”
The End
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento